Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pokwang, Tonton, Paul nag-reunion sa ‘Daig Kayo ng Lola Ko’

0 107

NI: ROLDAN CASTRO

Enjoy si Pokwang na sumabak siya sa fantasy series na ‘Daig Kayo ng Lola Ko’. Bibida siya sa buong Oktubre sa “It’s Not You, It’s Me” kasama sina Tonton Gutierrez, Paul Salas, Shanelle Agustin at Maey Bautista.

Nagsilbing reunion din nina Pokwang, Tonton at Paul ang Daig Kayo Ng Lola Ko dahil nagkasama silang tatlo sa seryeng ‘Aryana’ noong nasa ABS-CBN 2 pa sila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakatrabaho ko si Tonton sa Aryana teleserye ng ABS-CBN. Matagal din kaming nagkatrabaho. Sobrang na-miss namin ang isa’t isa. Nu’ng time na ‘yun, kasama rin namin si Paul..So, para kaming reunion. So, ang saya-saya lang,” sambit ni Pokie sa virtual mediacon
Nakita rin ng comedienne ang pagbabago sa awra ni Paul na dati raw ay medyo chubby pa. Ngayon daw ay sakto na ang hubog ng katawan at saka guwaping.

Mapapanood ang It’s Not You, It’s Me simula ngayong Oct. 3,, 7PM pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Leave A Reply

Your email address will not be published.