Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pokwang umalma sa Meralco

0 129

Hindi makapaniwala si Pokwang sa kanyang electric bill bilang customer ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa Twitter, tinanong ng komedyante kung may iba pa bang hotline ang isang Meralco branch.

Sinabi rin niya na “nanghula lang ata sila ng computation” gayong lumampas sa P100,000 ang kanyang bill sa loob ng apat na buwan habang may anti-coronavirus quarantine sa bansa.

“May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag? Wala sumasagot at di sinasagot mga tawag,” sey ni Pokwang.

“ng hula (sic) lang ata sila ng computation… 4 na buwan P131,312.00 ano kami pabrika?,” aniya pa.

Sinabi ng Meralco sa Senado na batay ang bill mula sa average consumption ng mga customer mula Disyembre hanggang Pebrero gayong hindi naisagawa ang meter reading noong Marso at Abril 2020, dulot ng anti-coronavirus lockdown sa Luzon. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.