Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police asset itinumba

0 274

Dedbol ang isang lalaking umano’y asset ng pulis nang ratratin ng nagsosolong gunman kamakalawa ng hapon sa Malate, Maynila.

Kinilala ni PMSg. Dennis Suba, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Abraham Damil, 30, miyembro ng Commando Gang at taga-No. 1254 A. Gonzalo St., Malate, Maynila na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ni Suba, alas-4:40 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa may biktima sa C. Tuazon corner San Andres, Malate, Maynila.

Nabatid na sakay umano ng bisikleta ang biktima na noon ay bibili ng pagkain pero pagsapit sa lugar ay sumulpot ang suspek na inilarawang nakasuot ng kulay gray at itim na jacket, short, bull cap at face mask na nag-aabang sa likod ng isang jeep.

Ang biktima ay napag-alamang nasa drug watch list ng barangay pero sinasabing “asset” rin ng mga pulis. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.