Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police bodyguard ng pinaslang na mayor, tinumba rin

0 115

Utas ang isang pulis nang tambangan sa Cagayan De Oro City, Sabado.

Tinukoy ang biktimang si Patrolman Roy Aguas, ng Northern Mindanao Police Regional Office. Sa ulat, nangyari ang krimen alas-kwatro ng hapon nang pauwi na umano ang biktima mula sa kanyang duty at sakay ng motorsiklo, pero pagsapit sa Brgy. Lapasan ay pinaputukan na siya ng salarin.

Agad itong nasawi dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at tinangay din ng suspek ang baril ni Aguas.

Nabatid naman na naging bodyguard si Aguas ng pinatay din na si Clarin, Misamis Occidental mayor David Navarro noong 2019.

Leave A Reply

Your email address will not be published.