Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police chief natepok ng manok

0 155

Patay ang hepe ng San Jose Municipal Police sa Northern Samar matapos itong aksidenteng tamaan ng tari ng nakumpiskang panabong na manok sa isinagawang raid sa tupadahan.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si PLt. Christian Bolik, matapos na mawakwak ang kaliwang hita nito ng tamaan ng tari at mapinsala ang ‘femoral artery’ o malaking ugat. Pinangunahan niya ang pagsalakay sa iligal na sabong sa Brgy. Madugang sa nasabing bayan dakong ala-1:20 Lunes ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nahuli ang tatlo sa mga suspek habang nakuha namang makatakas ng iba pa. Dalawang manok na mayroong tari at nakatakda na sanang ibitaw ang nakumpiska ng mga awtoridad kasama ang P550 halaga ng pera.

Subalit habang hawak ni Bolik ang isang panabong na manok na may tari ay aksidente siyang tinamaan sa hita dahilan upang mawakwak ito at grabeng mapinsala.

Nagdadalamhati nama ang kapulisan sa pagpanaw ni Bolik dahil sa pagseserbisyo nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.