Abante Tonite Interactive

Police chief ng Bulacan kinasuhan sa ni-rape na preso

By
1,667

Pormal na kinasuhan ng rape sa Provincial Prosectors Office ang sinibak na hepe ng Hagonoy police station makaraang gahasain umano nito ang isang babaeng preso sa loob mismo ng stasyon sa Barangay Sto.Nino, Hagonoy, Bulacan noong Martes nang gabi.

Ayon kay P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si P/Supt.Lorenzo Kim Cobre y Cleofe, may-asawa, nakatalaga sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) bilang acting Chief of Police (COP)ng Hagonoy Municipal Police Station.

Itinago naman sa pangalang ‘Aiza’ ang biktima na nadakip sa buy-bust operation ng Hagonoy police noong Mayo 6, 2018 at nahaharap sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng droga.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid sa imbistigasyon na naganap ang insidente sa pagitan ng alas-9:30 nang gabi hanggang alas-10:00 nang gabi noong Hul­yo 3.

Inilabas umano ng custodial facility si Aiza at dinala sa opisina ni Cobre at nagpamasahe ng katawan hanggang siya ay pagsamantalahan.