Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police chief timbog sa kotong

0 549

Arestado sa entrapment operation kahapon sa loob mismo ng presinto ang hepe ng Police Community Precinct (PCP) Station 10 ng Caloocan City Police, dahil umano sa pangongotong sa gasoline vendor.

Kinilala ni P/BGen. Ronald Lee, hepe ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, ang naarestong si commander ng nasabing istasyon na si P/Maj. Celso M Sevilla, PCP Commander at ang sibilyan na si Nestor Rivera habang tinutugis pa ang kasabwat na si P/Cpl. Albert N Cruz.

Aniya, nakatanggap sila ng reklamong humihingi ng pera ang mga pulis mula sa mga gasoline vendor kapalit ng pagpapatuloy ng kanilang pangkabuhayan. Sangkot umano sa malawakang protection racket ang hepe ng PCP Station 10.

Batay sa mga reklamo, 300 pesos kada linggo ang hinihingi sa vendor ng naarestong hepe ng PCP at ang pinaghahanap pang tauhan nito.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery extortion, at karagdagang kasong administratibo para sa mga pulis na sangkot sa krimen. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.