Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police chief timbog sa kotong

0 150

Di umubra ang pagka-opisyal ng hepe ng Godod Municipal Police Station (MPS) sa Zamboanga Del Norte matapos ang ginawang entrapment operation sa kanyang pangongotong Huwebes ng hapon.

Sa ulat na ipinadala ni PNP-IMEG Director Police Brig General Ronald Lee kay PNP chief Director Archie Gamboa, dinampot ng mga tauhan ng Philippine National Police- Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dakong alas-4:58 ng hapon nitong Huwebes ang suspek na si Police Captain Haran U. Ulah, hepe ng Godod MPS, habang tinatanggap ang P5,000 marked money.

“We have arrested another police officer accused of extortion in line with our continuing implementation of Gen. Gamboa’s directive to go after rogues in uniform regardless of their rank and stature,” pahayag ni Lee sa kanyang statement.

Nag-ugat ang entrapment operation laban sa suspek matapos ang reklamo ni Jose Abarca na hinihingan siya ni Ulah ng P10,000 nitong Mayo 29, 2020 bilang protection money umano para hindi na mabulabog ang ginagawa nitong treasure hunting sa Sitio Riverside, Barangay Raba ng nabatid na lungsod.

Nakuha sa suspek ang P5,000 marked money, service firearm nitong M16 rifle at kalibre .45 baril at ang cellphone na ginamit nito sa pakikipagtransaksyon sa biktima. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.