Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police official kinasuhan ng taxi driver

0 48

Nasa ‘hot water’ ngayon ang isang ranking official ng Quezon City Police District (QCPD) matapos kasuhan ng taxi driver ng grave misconduct, conduct unbecoming of a police officer at oppression sa People’s Law Enforcement Board (PLEB).

Nag-ugat ang reklamo laban kay PLt. Col. Ariel Capocao, Deputy Director for Operations ng QCPD, nang komprontahin nito ang taxi driver na si Marlon Bacsal dahil sa pagparada ng kanyang sasakyan malapit sa tahanan ng police official.

Ayon kay Bacsal, inutusan siya na opisyal na alisin agad ang nakaparadang taxi sa harap ng tahanan nito.

Nakiusap umano si Bacsal na aalisin ang taxi kapag natanggal na ang mga buhangin sa dating paradahan.

Hindi umano ito pinakinggan ni Capocao at sa halip ay ininsulto umano siya nito, na sinagot nitong hindi naman nito pag-aari ang kalsada, pero inalis din ng biktima ang taxi.

Nagulat na lamang ang taxi driver nang arestuhin siya ni Capocao, na armado pa ng M16 rifles pero walang arrest warrant.

Hindi naman kinunsinti ni Mayor Joy Belmonte ang ginawa ng police official. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.