Abante Tonite Interactive

Police official nanakit, nanigaw sa traslacion

By
0 124

Nahaharap sa reklamong conduct unbecoming of an officer at grave abuse of authority ang isang opisyal ng Manila Police District (MPD) makaraang ireklamo ng tatlong pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang pananakit.

Nangyari umano ang insidente dakong alas-6:00 nang umaga habang abala ang lahat sa traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa may Quirino Grandstand sa Maynila.

Sinabi ng mga bagitong pulis mula sa Regional Personnel Holding and Accoun­ting Unit at Regional Support Unit ng NCRPO, na tumangging ibigay ang kanilang pangalan na pinagpapalo umano sila ng kahoy ng opisyal ng MPD na si C/Insp. Alden Panganiban. Si Panganiban ay deputy station commander ng MPD-Police Station 11 na nakabase sa Binondo area.

Nalaman na hindi umano nila nasunod ang ilang utos ni Panganiban at nang ito ay mapikon ay bigla na lamang silang pinalo ng kahoy dahilan para mamaga ang kanilang kamay.

Nabatid na marami umano ang nakakita sa ginawang pananakit ng nasabing opisyal ng MPD.

Bukod sa mga pulis na pinalo, ilang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinigawan din ng nasabing opisyal.