Abante Tonite Interactive

Police official pinagbabaril ng gang lider

By
0 201

Sugatan ang isang opisyal ng pulis matapos umanong manlaban ang kanyang target na aarestuhin sa Tanudan, Kalinga.

Kinilala ni Kalinga Police Chief Insp. Ri­chard Gadingan ang biktima na si Chief Insp. Faustino Lang-akan, na maghahain sana ng warrant of arrest laban kay Paul ­Delyaga sa kasong murder, frustrated ­murder at robbery.

Nang palapit na umano si Lang-akan sa lugar ng suspek, pinagbabaril ito ni Delyaga at tinamaan sa binti. Dahil dito’y dinamba ng kasamahan ng pulis ang suspek, saka agad na pinosasan.

Abante Hiring – IT dep

Sa ulat ng pulisya, hinihinalang lider si ­Delyaga ng robbery group na sangkot sa mga nakawan sa Kalinga. Nakakulong na ngayon ang suspek sa Kalinga detention cell at nahaharap sa patong-patong na kaso. ()