Abante Tonite Interactive

Police off’l niligpit ng tandem

0 173

Patay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Canvañez, Batuan, Masbate Huwebes ng gabi.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga bala sa ulo si Police Senior Master Sergeant Oscar Alegada, 43, nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station (MPS).

Sa ulat sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, Albay, ganap na alas-7:10 ng gabi, nakikipag-usap ang biktima kay non-uniformed personnel (NUP) Mylene Olarita sa gilid ng kalsada nang dumating ang mga suspek na nakamotorsiklo at malapitang pinagbabaril sa ulo ang pulis.

Matapos ang pamamaril ay mabilis ding tumakas ang mga suspek.

Agad namang nagsagawa ng checkpoint ang iba’t ibang istasyon ng pulis sa posibleng pagdakip sa mga suspek subalit bigo ang mga ito.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho o personal na away ang motibo sa pagpaslang. (Edwin Balasa)