Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Police off’l tagilid sa kaso ng lady grab driver

0 735

Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang posibleng misconduct o maling pag-uugali ng opisyal ng pulis at kung may pagwawalang bahala sa due process ng batas sa ginawa umanong pag- aresto at pananakit nito sa isang babaeng grab driver sa Taguig kamakailan.

Sa pahayag ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sinabi nito na ang komisyon ay labis na nag-aalala sa paraan ng pag-aresto at sinasabing pananakit ni Captain Ronald Saquilayan, sa babaeng grab driver kung saan kumalat na ang video online.

Pinapaalalahanan namin ang mga ahente ng nagpapatupad ng batas na panatilihin ang kanilang sariling mga pamantayan o protocol sa pag-aresto at maging maingat sa pinapayagang ligal na puwersa upang kontrolin ang isang taong pisikal na umaatake sa isang opisyal.

Nakikipag-ugnayan ang komisyon sa pamilya ng biktima gayun din sa mga awtoridad para mabigyan ng linaw ang naturang pag-aresto at pananakit na nangyari noong Oktubre 6, 2020. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.