Abante Tonite Interactive

Police witness sa pagkamatay ng Koreanong negosyante pinalaya

270

Iniutos ni ­Angeles City Regional Trial Court (RTC) ang pagpapalaya sa pulis na tumayong state witness sa nangyaring pagdukot at pagpaslang sa South Korean businessman na si Jee Ick-Joo noong 2017.

Pinaboran ni RTC Branch 56 Judge Irin Zenaida S. Buan ang mosyon ni SPO4 Roy Villegas para sa pagpapalaya nito mula sa restrictive custody ng Philippine National ­Police Anti-Kidnapping Group.

Ayon sa korte, luma­labas na natapos na ni Villegas ang testimonya nito kaya naman natupad na nito ang pagi­ging witness sa kaso.

Naging testigo si Villegas laban sa mga akusadong sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, Supt. Rafael Dumlao III, Jerry Omlang at retiradong pulis na si Gerardo Santiago.

Dinukot si Jee noong Oktubre 18, 2016 sa Friendship Plaza Subdivision, Angeles City ng mga pulis nakatalaga sa Camp Crame para umano sa Oplan Tokhang.

Matapos nito dinala si Jee sa headquarters ng PNP sa Camp Crame kung saan ito namatay nang sumunod na araw.
Dinala umano ang bangkay ng Koreano sa Gream Funeral Services na pag-aari ni Santiago kung saan sinunog at ibinuhos sa inidoro ang abo.