Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Policewoman binaboy ng Hepe

0 161

Nahaharap sa kasong rape ang isang Police Major matapos umano nitong gahasain ang kanyang tauhan na Patrolwoman Biyernes ng madaling araw sa 2nd Police Mobile Force Company sa Lupon, Davao Oriental.

Kahapon ay kinasuhan na ng rape sa Prosecutors Office ng Davao Oriental ang 35-anyos Police Major, tubong Baguio at nakatalagang Officer in Charge Force commander ng 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company.

Sa ulat ng Davao Orien­tal Police Provincial Office, naganap ang insidente nitong Hunyo 10, 2022 sa loob mismo ng quarters ng 2nd DOPMFC.

Nakasaad sa police blotter ng Lupon Municipal Police Station, base na rin sa salaysay ng biktimang policewoman, nagtungo sila sa barracks ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army para dumalo sa isang kasayahan kasama ang suspek at dalawa pa gabi noong Hunyo 9, 2022.

Nagkainuman sa barracks at nakaisang bote ng beer ang biktima habang nalasing ang iba.

Pabalik na sa kuwarto ang biktima nang sundan siya ng lasing niyang opisyal at tabihan sa higaan.

Umalma umano ang biktima at nang di mapaalis ang pulis ay nagtungo sa kanyang superior at isinumbong ang ginawa ng kanyang hepe.

Napaalis naman ang suspek subalit alas-3:00 ng madaling araw, may kumatok sa kuwarto ng biktima at nang buksan ay bumungad ang suspek, pumasok at ini-lock ang pinto sakay halay sa biktima.

Noong una, natakot ang biktima na magsumbong dahil sa impluwensya ng opisyal pero bandang alas-9:40 ng gabi ng nasabi ring araw ay ini-report nito ang insidente sanhi upang arestuhin ng Lupon Police ang nasabing opisyal.

Ayon naman kay bagong upong Davao Oriental Police Provincial Director Police Col. Francis Donald Brillantes, sinampahan na ng kasong criminal at administratibo ang suspek. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.