Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Polidario, Magdato nanalasa

0 77

Pakitang gilas sa unang araw Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 eliminations ang dalawang Abanse Negrense team nang pumalo ng tigalawang panalo Biyernes sa Subic Bay Freeport.

Sinungkit ng Abanse Negrense Team A nina Alexa Polidario at Erjan Magdato unang panalo kontra F2 Logistics, 21-15, 21-12 habang tinaob din ng pares ang kampo ng Sta. Lucia B, 21-14, 21-12.

Dalawang set lamang din ang kinailangan ng Abanse Negrense Team B nina Jennifer Cosas at Gelimae Villanueva laban sa United Auctioneers, 21-13, 21-12, saka umeskapo naman via three sets laban sa Sta. Lucia Realtors Team A, 6-21, 21-14,15-11.

Wagi sa isang game ang Lady Realtors A nina DM Demontano at Jackie Estoquia kontra Toby’s Sports 21-18, 21-13, ang Lady Realtors B nina Bang Pineda at Jonah Sabete 21-10, 21-7 laban sa Kennedy Solar Energy-PetroGazz. (Janiel Abby Torralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.