Abante Tonite Interactive

Poligrates dadalhin sa tuktok ang Rizal

418

May nais patunayan si Eliud ‘Eloy’ Poligrates sa dati niyang koponan kaya naman atat na nang lumaro sa nilipatang team.

Pumirma ng isang taon na kontrata ang ex-pro cager sa Rizal-Xentro Mall sa nakatakdang 4th Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League 2020.

Dating naglaro si Poligrates sa Marinerong Pilipino sa Philippine Basketball Association (PBA) D-League pero pinakawalan na siya.

“Sana maipakita ko sa kanila na nagkamali sila sa pinili nilang desisyon,” pahayag kahapon ng former PBA journey man.

Naniniwala si Poligrates na naaayon ang kanyang istilo sa laro ng Rizalenos.

“Sa Rizal, sabi ko naman sa kanila, kung pagbibigyan nila ako ng pagkakataon para ipakita kung anong laro ko,” pangwakas na sambit ni Poligrates.

Sa ngayon walang ibang nasa kukote ni 32-year-old, six-footer Cebuano point guard kundi akbayan ang Rizal sa tuktok. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad