Abante Tonite Interactive

Poligrates, Skippers nilublob ang Engineers

305

puro na sa finals

Mga laro sa Lunes: (Paco Arena, Maynila)
Game 2 ng Best-of-3 Semis
1:30 p.m. – TIP vs Marinerong Pilipino*
3:30 p.m. – CEU vs BRT Sumisip-St. Clare*

Pinukol ni Eliud ‘Eloy’ Poligrates ang 10 sa 18 points niya sa first quarter para sa madomina ng Marinerong Pilipino ang Technological Institute of the Philippines, 98-80, at lumapit sa finals ng 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 Huwebes ng hapon sa Paco Arena sa Maynila.

Nakaagapay ng ex-pro si Byron Villarias na may 15 markers lahat sa 3-point shot habang tatlo pa nilang mga kakuwadra ang mga tumapos ng 10 pts. above para puwede ng tapusin ng Skippers ang best-of-4 semis series sa darating na Lunes, Set. 23 sa naturan ding playing venue.

Lumayo ang MP ng 32 pts., 64-32 mula sa third period mula sa 17-4 start sa opening stanza. Pero pinadaga pa ang kanilang dibdib ng Engineers na kumatok sa 81-72 halos seven minutes pa sa fourth frame, saka unti-unting tumirik din.

“Masaya dahil nakuha namin yung Game One pero kailangan pa rin trabahuhin ang Game Two dahil di pa tapos ang series,” saloobin ni coach Yong Garcia. “Kailangan pa ng corrections dahil nung third quarter, medyo nag-relax kaya nakadikit sila.”

Nawalang bisa pa rin ang pagpupunyagi ni Senegalese slotman Papa Ndiaye na bumiyahe ng 30 pts., 17 rebs. at 3 asts . Pati ang 12 pts. ni Bryan Santos at 10 ni Ivan Santos.

Nakabuwena-mano rin ang RT Sumisip Basilan St. Clare kontra Centro Escolar University, 86-70, sa likod ng 19 pts. at 7 caroms ni Malian center Mohammed Pare. (Aivan Denzel Episcope)