Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Polio case sa `Pinas lumulobo

0 141

Umakyat na sa 25 kaso ang polio sa Pilipinas mula nang ma-monitor ng Department of Health (DOH) ang presensiya nito sa bansa noong Setyembre 2019.

Ayon kay DOH immunization program manager Dr. Wilda Silva, ang 25 kaso na na-monitor ay hanggang nitong Hunyo 3, 2020 lamang.

Nalaman na sa 25 dinapuan ng polio, ang 16 sa mga pasyente ay may permanente na ang ‘disability’.

“These are already patients with permanent disability, ito po yung nagkaroon na ng pagkaparalisa ng lower extremities secondary to the poliovirus,” ani Silva.

Habang nasa normal pa ang pangangatawan ng 9 pero tukoy na nagtataglay na ng ‘polyvirus’ sa kanilang katawan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.