Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Political circus ng admin inawat ni cong

0 99

Naniniwala ang grupong Bayan Muna na isang political circus ang patuloy na pag-iingay ng administrasyon para sa 2022 election.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep Ferdinand Gaite, dapat tigilan na ng administrasyon ang mga pakulo na ang layunin ay ilihis ang tunay na isyu ukol sa palpak na pagtugon sa COVID pandemic at ang report ng Commission on Audit (COA) hinggil sa paggamit ng bilyong pondo ng gobyerno.

“Nagpapalutang sila ng bagong pag-uusapan but the people will not fall for this pathetic magicians act of misdirection to confuse the people,” giit ni Gaite.

SM food to go Banner Ad

Aniya, anuman ang gawing formula ng administrasyon para sa 2022 elections ay tiyak na hindi kakagatin ng mga Pinoy.

Dagdag pa ni Gaite na hindi na maloloko pang muli ang publiko at naghihintay na ang sambayanan sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa susunud na taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.