Abante Tonite Interactive

Politician tinabangan sa female personality

By
984

tonite-no-thanks-cristy-ferminMAY isang female personality nu’n na nakaagaw ng atensiyon ng isang kilalang politiko. Gumawa ito ng paraan na magkakilala sila ng aktres, hanggang sa nagpalitan sila ng numero ng telepono, naging madalas ang kanilang pagkikita.

Siya na ang gustong makarelasyon ng politician dahil pareho naman silang libre, pero naudlot ang pagkagusto ng politiko sa female personality, maraming kuwentong nakarating sa lingkod-bayan.

Kuwento ng aming source, “Sayang, matino pa naman ‘yung politician na nagkagusto kay ____(pangalan ng kilalang babaeng personalidad). Hindi siya nadadamay sa issue ng corruption dahil dati na siyang mapera.
“Nagkataon lang na napilitan siyang tumakbo dahil ‘yun ang gusto ng family niya, pero hindi na kailangang magpayaman ng politikong ‘yun. Bilyonaryo na ang pamilya niya.

“Sa isang party na pinuntahan nu’ng politician, e, may mga nagkuwento na huwag na lang niyang seryosohin ‘yung girl dahil baka madismaya lang siya.

“Ipinaglihi raw kasi sa manggang hinog ang girl, in short, manggagamit siya, user. Maraming sinabing pangalan ang mga nagpayo sa politician, pakibalitaan daw niya kung ano ang totoong kartada ng girl, para malaman niya ang totoo,” unang kuwento ng aming source.

Pasimpleng nag-imbestiga ang politiko, hanggang sa isang araw, tinabangan na ito sa magandang female personality. May napatunayan ito tungkol sa babaeng seseryosohin na sana nito.
Patuloy ng aming impormante, “Totoo nga raw pala ang mga kuwento. Lahat pala ng nagiging karelasyon nu’ng female personality, e, nagkabutas-butas ang bulsa sa pagiging bil­moko niya.

“Totoo raw palang ipinaglihi sa hinog na mangga ang girl, simple lang ang mga atake niya, pero sunog ang bulsa ng mga nakakarelasyon niya.

“Nu’ng makausap ng politician ang isang tauhan ng kanyang kapwa politiko, e, lalo nang tinabangan ang lalaki. Matindi raw pala talaga ang babae dahil sa nangyari sa kaibigan niyang politiko.
“Butas na butas na ang bulsa nu’ng politiko, e, nalaman pa niya na may kasabay pala siyang boyfriend din ng magaling magpaikot na aktres,” pagtatapos ng aming source.