Abante Tonite Interactive

Politika at bayong mentality

77

Sa malalayong probinsya, buhay na buhay pa rin pala ang bayong mentality. Ito ‘yung pamimigay ng bayong o bag of groceries ng mga politiko tuwing Pasko.

Proven and tested na raw na mahusay ang istilong ito para humaba ang political career ng isang nakapuwesto. O kahit hindi nakapuwesto pero may ambisyon sa politika, siyento porsiyento raw na patok sa tao ang bayong.

Isa pang garantisadong ‘pogi/byuti points’ ay ang pakikiramay sa namatayan, sa nasunugan at sa mga biktima ng kalamidad. Maging ang pakikisaya sa piyesta, sa graduation at iba pang okasyon na importante sa ordinaryong tao.

Abante Hiring – IT dep

Mismong ang ilang matitinong lingkod-bayan na ang sentro ng tungkulin ay ibinubuhos sa maayos na kalsada at eskuwelahan o doktor at nars sa health center ay hindi rin maunawaan ang lohika sa ganitong istilo ng pamumulitika.

Related Posts

Kahit ilang trabaho at libreng paaral pa ang ibigay nila sa kanilang mga constituent, tinatalo sila sa eleks­yon ng mga ma-PR lang na kandidato.

‘Yun bang pakiki-selfie at groufie lang ang puhunan. ‘Yong nakikitagay sa birthday. ‘Yung payakap-yakap sabay abot ng nakasobre sa namatayan.

Proud na proud ang karaniwang tao kapag may piktyur kasama si Mayor o si Kapitana o si Konsi. Mas sikat at pinagpipiyestahan sa Facebook ang pagbisita sa kanila ng kandidato kesa pinagawang public market o inayos na eskuwelahan at health center.

Paano nga naman maeengganyo ang mga tapat at matitinong opisyal na magseryoso sa kanilang trabaho at tumutok sa kongkretong mga programang pang-serbisyo publiko kung bayong lang ng kapiranggot na gro­serya at selfie ang matatandaan ng tao?