Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politika sa loob ng Simbahan

0 165

Ginugunita ng Simbahan ang Pista ni San Celestino V, ang unang Santo Papa na nagbitiw. Ayon sa mga dalubhasa ng Kasaysayan, ang buhay ni Celestino ay prueba na hindi palaging ‘synonymous’ ang pagiging Papa sa kabanalan. Sa higit na dalawang libong taong pag-iral ng Iglesya, maraming nahalal sa trono ni San Pedro dahil sa ‘nepostismo’ o impluwensiya ng kamag-anak at politika— hindi dahil sa pamamagitan ng Espritu Santo!

Anumang pagtatanggi ng Simbahan, maraming Santo Papa ang nagmalabis sa pwesto at ginamit ang kanilang titulo para sa sariling kapakanan at kabutihan, hindi bilang mga tapat na saksi ni HesuKrsito. Walang katotohanan sa paniwala ng iba ukol sa “ex officio” sanctity; maliban nalang kung ang kaso ay katulad ni San Pedro na unang Papa na namatay bilang martir o ni San Gregorio Magno at San Juan Pablo II na kapwa walang dudang banal.

Kakaiba sa lahat ang istorya ni San Celestine V sa buong kasaysayan ng Simbahan. “Abdication” o pagbibitiw ang kanyang naging tugon sa tensiyon sa pagitan ng katungkulan bilang Pope at at hamon ng kabanalan. Pamoso ang tanyag na ermitayo sa kanyang mga kataga: “I wanted nothing in the world but a cell, and a cell they have gibven me.” Nang walang mapiling kahalili ang yumaong Papa, si Celestine V o ‘Pietro di Morone’ ang pinagkaisang gawing Papa dahil sa Kanyang Kabanalan.

Hindi nakatanggi si Pietro nang sunduin siya ng delegasyon mula sa Roma upang ipaalam na siya ang bagong Santo Papa ng Simbahan kapalit ni Pope Nicholas IV noong 1292. Mangiyak-ngiyak Siyang sumama sa Roma upang harapin ang College of Cardinals. Higit dalawang-libo katao ang naghatid pabalik sa Aquila sa bagong Papa na kinoronahan sa Basilika ng Santa Maria di Collemaggio. Napuno ng emosyon at pasasalamat ang lahat dahil sa totoong banal na kahalili ni San Pedro!

Pagkalipas ng ilang araw, nabatid ng 84-na-gulang na Papa kung gaano kalala ang politika sa loob ng Simbahan pati na rin ang mga taong nais gamitin ang impluwensiya upang kontrolin siya. Di kalaunan nabatid ni Papa Celestino na ang Kanyang nakagisnang buhay ay di tugma sa kasalukuyang estado. Sa loob ng limang buwan naging miserable ang kanyang buhay, kaya’t noong Disyermbre 13, 1294 tuluyan Siyang nagbitiw.

Pinalitan siya ni Pope Boniface VIII na kilala sa husay sa pamamalakad ng Simbahan at kaalaman sa pamumulitika. Sa takot lumago ang oposisyon sa kanyang termino dahil kay Celestine, iniutos nitong ipakulong ang nagresign na Papa. Hindi niya pinayagan si Celestine na makabalik sa kanyang komunidad at iniutos nitong manatili ito sa Fumone upang abot-tanaw niyang masubaybayan. Gayunman, di kalauan pumanaw din ang banal na ermitanyong Papa noong Mayo 12, 1296.

Iprinoklamang Santo si Celestine V ni Pope Clement V at kinilala ito hindi bilang ‘Martir’ kundi isang Kompersor ng Simbahan sa kabila ng kumakalat na usap-usapan, maging hanggang ngayon, na pinukpok ito ng martiltyo sa ulo. Tsk, tsk, tsk. Magulo talaga ang Iglesya noong Medieval Period. Pintongdaang taon na nang magbitiw si Celestine V bilang Papa; marami nang nagbago sa Simbahan lalo na sa pagpapatibay ng legal at politikal na konsepto ng pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado.

Mula ng maisabatas, ang ‘Separation of Church and State’ ay nakatulong sa pagpapanatiling makahiwalay sa bawat aspekto ng pagtugon sa mga isyu ng kanilang mga institusyon nang walang pakikialam ng bawat isa. Noong panahon ni Pope Celestine V hindi pa naisababatas ito; gayunman malinaw noon pa man sa kanyang isip kung ano ang prayoridad ng Simbahan, viz. ang kaligtasan ng kaluluwa at kabanalan ng tanan. Pinili ni San Celestino ang kabutihan at katahimikan ng kanyang kaluluwa sa pagbibitiw!

Taong 2009 nang bisitahin ni Pope Benedict XVI ang mga labi ni San Celestino V sa Aquila at iniaalay ang kanyang ‘pallium’ o simbulo ng Kanyang pagiging Pastol sa puntod nito. Ayon sa mga dalubhasa, “It was not only an expression of piety but an indication of his intention to follow the path of Celestine.” At noong Pebrero 2013, sa gulat ng 1.3 bilyong Katoliko binasa ni Benedict, katulad ng ginawa ni Celestine ang “Solemn Declaration of Abdication” o pagbibitiw.

Muli, lubos na naapektuhan ang Papacy sa resignation ng isa na namang Papa matapos ang pitungdaang taon. Sa kasalukuyan, katulad nang dati, naging dalawa muli ang mga Papa kapwa nabubuhay. Health reasons ang sinabing dahlian ni Benedict sa pagbibitiw. Gayunman, may mga nagsasabing may kinalaman ang kanyang pag-atras sa bigong pagtutuwid ng ilang pari at obispo. Anuman ang totoo, maayos naman so far ang paghalili at pamamalakad ni Pope Francis.

Ipanalangin natin ang Santo Papa at ang Simbahan lalo na ngayong nanganganib ang mundo ng banta ng posibleng Ikatlong Pandaigdigang Giyera sa nagpapatuloy na pandemya. Nawa mabuksan ang ating isip sa katotohanan na ang mga miyembro ng Simbahan ay siya ring bumubuo ng mga lipunan at bansa. Mabawasan nawa ang pakasilaw ng marami sa ginto na palagi nalang dahilan ng tunggalian sa pamunuan at mga miyembro ng Simbahan at gobyerno.

San Celestino V, Ipanalangin Mo Kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.