Abante Tonite Interactive

Politika sa ‘Pinas hindi puwedeng panghimasukan ng China

By
5,261

Nanindigan ang ilang senador na hindi dapat manghimasok ang dayuhang bansa sa usaping politikal ng ­Pilipinas. Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiniyak sa kanya ni Chinese President Xi Jinping na hindi ito mapapatalsik sa puwesto.

“Ang politika is an exclusive sovereign power of our country, so walang bansa na pwedeng makialam kung ano ang takbo ng ating politika, whether US ka, China ka, Russia ka o European Union,” saad ni Senador Win ­Gatchalian.

Iginiit naman ni Senador Kiko Pangilinan na dapat sumandal ang gobyerno sa sarili nitong mamamayan at hindi sa China o anumang dayuhang gobyerno.

“This government should rely on the ­support of its own people, and not on China or any other foreign go­vernment, to ensure a strong and effective administration,” saad ni Pangilinan.

“Ang pahayag bang ito ang kapalit ng pana­nahimik ng administrasyon sa West Phi­lippine Sea? Is this the reason why we are willing to enter into loans with China even if the inte­rest rates are 4 to 5 times higher than that of Japan or South Korea? Is China support for this administration to ensure its iron clad grip on power? Whose interest is being pursued by depending on China? Is it the nation’s interest or the interest of those in power that is being pushed here?” dagdag pa ni Pangilinan.

Hindi naman naniniwala si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa naging pahayag ni Duterte dahil kilala ­naman aniya itong sinungaling.

“First of all, I don’t believe China would even say that because they know that they don’t have the power to stop any leadership change from happening. But, more importantly, Duterte’s statement betrays his paranoia about the state of affairs in his own country. No one is trying to kick him out; he is doing the destabilizing all by himself,” saad ni Trillanes.