Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politika sinisilip sa itinumbang Pampanga kandidato

0 121

Inatasan na kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos ang Police Regional Office (PRO) 3 para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa naganap na pananambang at pagkakapatay sa isang kandidato sa pagkakonsehal at pamangkin nito nitong Sabado sa San Simon, Pampanga.

Ayon kay Carlos, pinaiimbestigahan na niya kay PRO 3 Regional Director Brig. Gen. Matthew Baccay ang insidente ng pagpaslang kina Rogelio Salvador, 42, kandidato sa pagkakonsehal ng bayan ng San Simon sa 2022 election at pamangkin nitong si Joel Salvador, at pagkakasugat ng kanilang drayber na si Arnel Caparas.

“So far, it is premature to say that this is election-related even if the victim is a local candidate for the 2022 elections. We need to establish the facts first, but we don’t discount politics as a possible motive.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lulan aniya ng Chevrolet Trailblazers ang mga biktima at pagsapit sa Barangay San Jose ay pinagbabaril ang mga ito ng hindi pa kilalang mga suspek sakay ng isang kotse.

Punto ng hepe, bukod sa politika, importante ring imbestigahang mabuti ang background ni Salvador upang malaman kung ano ang tunay na motibo ng krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.