Abante Tonite Interactive

Politiko babad sa hideout

505

Madalas daw wala sa k­anyang bahay ang isang kilalang politiko sa b­ansa.

Hindi naman daw ito namamasyal sa shopping mall at lalong hindi tumatambay sa mga KTV bar.

Hilig lang daw kasi ng politiko na magbabad sa kanyang hideout na medyo may kalayuan sa kanyang haybol.

Magagawa kasi ng politiko ang lahat ng gusto niyang gawin sa hideout na walang ibang makakakitang usisero.

Kaya ‘pag may dumadalaw na mga tsiks sa lungga ng politiko, alam na ng mga tauhan nito ang gagawin para mag-enjoy ang kanilang amo.

Clue. Ang politiko na babad sa kanyang hideout ay galing sa kilalang angkan. May letrang S sa kanyang apelyido as in Secret.