Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Politiko bawal umepal sa community pantry

0 199

Ipinagbawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-epal ng mga politiko sa mga community pantry katulad ng paglalagay ng kanilang pangalan, logo at iba pang signage.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi dapat na lagyan ng bahid ng politika ang inisyatibang tumulong ng mga pribadong mamamayan.

“Hindi po natin papayagan ang epal o tinatawag nating signage, billboards, posters, pictures, o images ng tao na nagsasagawa ng community pantry lalo na po ang mga politicians na gustong pumapel dito sa community pantry,” pahayag ni Año sa Talk to the People ni Pangulong. Rodrigo Duterte Miyerkoles ng gabi. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.