Abante Tonite Interactive

Politiko bitter sa kendeng ni Lito

1,334

tonite-this-is-it-roldan-castro

Ang tindi pala ng insecurity ng ilang politiko sa cast ng “Ang Probinsyano” na tatakbo ngayong eleksyon. Ang lakas ng impact nina Lito Lapid, Jolo Revilla, Edu Manzano, Mark Lapid, Long Mejia dahil sa exposure nila sa nasabing serye.

May isang politician na super effort para mapansin at mapag-usapan na bitter umano ngayon. Wala raw binatbat ang gimik niya sa konting kendeng, indak ni Lito sa mga mall show. Kuha niya agad ang masa para maalala siya sa eleksyon.

Ang tinutukoy naming politician ay super effort sa paandar niya. Hindi lang pagod kundi sakit ng katawan ang pinaggagawa pero wa effect pa rin.

Imee mukhang multo sa ABS-CBN

Parang nakakita umano ng multo ang mga tao sa ABS-CBN nu’ng manood si Gov. Imee Marcos ng “Magandang Buhay.” Taga-­Tacloban kasi si Karla Estrada at isa ring Waray gaya ng dating First Lady Imelda Marcos.

“Feeling yata nila isi-sequester ko ang ABS-CBN,” tumatawa ­niyang reaksyon.

“Ewan ko ba sa kanila. Hindi ko na lang pinansin at sineryoso ang reactions nang nakakita sa akin,” lahad pa niya sa intimate dinner niya sa movie press.

“Move on na tayo,” sey pa niya.

Kaaliw at baklang-bakla na kakuwentuhan si Gov. Imee. Gusto raw niyang manood sa comedy bar. Binanggit namin ang mahuhusay na stand up comedian ngayon na dapat niyang panoorin. Isa na rito ay si Boobsie Wonderland.

Napahalakhak kami dahil hindi raw siya nakaligtas sa paghaharbat ni Boobsie sa isang event sa Marikina. Nahiritan daw siya pero hindi na raw niya pinansin sa sobrang tawa niya sa komedyana.

Maricon gustong gawing lalaki si Vice

Iba rin ang trip ni Maricon Escosis. Sa edad 23 ay ilusyon niyang gawing tunay na lalaki si Vice Ganda.

Hinahangaan daw niya si Vice. Iba raw ang lakas ng dating nito.

Si Maricon ay may sukat na 34B-26 -34.

Pangarap niya ay maging isang flight stewardess. Sa ngayon ay abala siya sa pagmo-model at car show.

Anne pinarangalan sa Macao International Filmfest

Kinilala si Anne Curtis ng Variety at ng Macao International Film Festival Awards. Prinesent kay Anne ang Asian Star Up Next Award.

“I dedicate this to all the Filipino filmmakers and actors who continue to work hard to make films that are not only appreciated by our fellow Pinoys but also appreciated by the global audience,” post ng aktres sa kanyang IG account.

Masundan din kaya ito ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival para sa pelikula niyang “Aurora?”