Politiko epal,hopia kay Kris

1,775

Ni: RONA RONDA

Pinaramdam na naman muli ni Mark Leviste ang kanyang nararamdaman para kay Kris Aquino. Sa latest Instagram post ni Kris, ibinahagi niya ang mensahe mula kay Attorney Gideon Peña.

“Kung hindi ka pa rin niya minemessage simula nung umpisa ng quarantine, it’s a sign. Isolate your feelings. Save yourself,” saad ng post.

Sa caption nito ay nagpa-survey siya kung sino ang Team Message o ang Team Hopia. Nag-reak ang masugid na manliligaw ng Queen of All Media na si Mark Leviste.

“Hoping pa,” komento ng Vice Governor.

Tumugon naman si Kris at nangamusta. Aniya “@markleviste omg how are you Vice Gov? Kanino ka umaasa?”

“Im fine. Thanks! I hope you and boys are too. Kanino nga ba?,” tugon ni Leviste.

Hinihikayat naman siya ng nga netizen na sabihin na kung kanino nga ba siya umaasa. Subalit mukhang takot sa katotohanan ang Vice Governor. Sey niya pa, “The truth is #Harsh.”

>

Nagbigay naman ng update si Kris sa kalagayan niya at ng anak. To the rescue naman si Leviste at puwede umano siya nitong tawagan anytime. Hashtag niya pa, “TeamMayPagAsa”.

Samantala, may isang netizen naman ang kontra kay Leviste.

Sey ni Karly.bliss, “@markleviste, huwag po kayong epal, c @gideon.pena at c ms. @krisaquino ang magkakatuluyan.”

Naloka naman si Kris sa komento ng netizen at sinabing na-sermunan umano siya.

“Haha sorry napo @karly.bliss, nagbabakasakali laang,”Sey naman ni Leviste na may hashtag pa na #TeamHopiaPaNoMore dahil #TeamNaMessageNa at #TeamNakausapPa.”

Hindi naman papigil ang netizen at sinabing sana ay nag-uusap pa rin sila ni Gideon dahil mas bagay umano sila.

Binasag naman ni Gideon ang kanyang katahimikan at nilinaw ang tunay na relasyon nila. Aniya, “We’re good friends. Huwag ka ng hopia.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...