Abante Tonite Interactive

Politiko imbyerna sa senatoriable

218

Dati silang magkaibigan pero ngayon ay tila nagsaulian na sila ng kandila dahil sa kani-kanilang ambisyon sa politika.

Kuwento ng source ng Tonite, ayaw na raw ng politiko na makatabi ang senatoriable matapos mabisto ang balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections.

Minsan nga raw, sinubukan ng kandidato na tumabi sa politiko pero nagbago ang hilatsa ng mukha nito na tila naimbyerna sa katabi.

Mistulang sinisilaban daw sa upuan ang politiko kaya’t umalis na lang at naiwan ang matulis ang babang senatoriable.

Inakala raw kasi ng politiko na kaibigan niya ang senatoriable pero may iba pala itong misyon pagdating ng eleksyon sa 2022.

Clue: Ang politiko na naimbyerna sa kandidato sa pagka-senador ay may letrang S sa kanyang pangalan, habang ang senatoriable ay may M sa pangalan as in Maria.