Abante Tonite Interactive

Politiko inokray sa pag-angkin sa mga millennial

By
276

Sino itong politiko ang kinuyog sa social media matapos nitong angkinin ang mga millennial?

Sinabi kasi ng politiko, isang halal na opisyal ng malayong lalawigan sa Luzon, na siya daw ang tagapagsalita ng mga millennial.

Aba’y natural na magwawala ang mga totoong millennial dahil nahaluan pala sila ng isang politikong hindi naman nila kaedad.

Ang lakas kasi ng loob ng lady politician na magsalita para sa millennial gayung isa na siyang lola, as in senior citizen.

Hindi matanggap ng marami na maging ta­gapagsalita nila ito, aba’y puros mga fake news kasi ang ibinubuga ng bibig nitong hindi
nagsasara.

Clue: Ang lady politician na kinuyog sa pag-angkin sa mga millennial ay kilalang mayaman. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mahaba ang kanyang baba.