Abante Tonite Interactive

Politiko inuumaga sa inuman

490

Hindi pa rin maka-move on ang isang politiko sa masaklap na pagkatalo sa nakaraang halalan.

Sa mga pre-election survey kasi, malakas ang kanyang pangalan at ipinapalagay na mananalo sa botohan.

Subalit ilang araw bago ang eleksyon, unti-unting sumadsad ang rating ng politiko hanggang sa mismong araw ng halalan kung saan nangamote ito.

Kaya para makalimot sa kirot ng pagkatalo, gabi-gabing lumalaklak ang politiko sa kanyang hideout at madalas na inuumaga ito sa inuman.

Tambak na nga raw ang mga bote ng alak na inubos ng politiko at naghihintay na lamang daanan ng nangangalakal ng bote at dyaryo.

Ang masaklap nito, talo na nga sa nakaraang halalan ay may pending pa itong kaso sa korte.

Clue. Ang politikong laging lango sa alak dahil sa pagkatalo sa halalan ay maraming kaibigang artista. May letrang S sa kanyang apelyido, as in ace of Spades.