Abante Tonite Interactive

Politiko laging basa ang kili-kili

1,369

Sino raw itong politiko ang madalas magpalit ng damit kapag nag-iikot sa mga botante?

Palagi raw kasing basa ang kili-kili ng politiko kaya nahihiya itong humarap sa mga botante kapag nakikita ito sa kanyang damit.
May isang pagkakataon daw na nabasa nang husto ang damit ng politiko sa bahagi ng kili-kili.

Hindi ito napansin ng politiko dahil abala sa pagpapatawa sa mga residente ng isang barangay.

Ang hindi niya alam, kaya nagtatawanan ang mga tao ay dahil basang-basang na ang kanyang damit dahil sa pawis sa kili-kili.

Clue. Ang politikong laging basa ang kili-kili ay kilalang babaero at may letrang S sa kanyang apelyido.

Tonite – Wendys Inhouse Ad