Abante Tonite Interactive

Politiko laging basa ang kilikili

356

Mas gugustuhin daw ng isang politiko na magbabad sa malamig na kuwarto kaysa magbilad sa araw.

E paano ba naman kasi, madali daw kasing pawisan ang politiko kapag nabilad sa araw.

Unang nababasa sa kanyang damit ang bahagi ng armpit kung saan kitang-kita ang pagbabago ng kulay ng polo shirt kapag nababasa.

Minsan daw, abala ang politiko sa pakikipag-usap sa kanyang constituent sa ilalim ng buwan este sa tirik na araw at nabasa na naman ang kanyang damit dahil sa pawis sa kilikili.

Hindi raw napansin ng politiko ang dyahing porma niya hanggang sa makauwi na sa kanyang bahay.

Clue: Ang politiko na laging basa ang kilikili ay mula sa kilalang angkan at dating nagpapatubo ng bigote.