Abante Tonite Interactive

Politiko laging kausap ang ibon

550

Simula nang matalo noong nakaraang halalan, iba’t ibang gimik na ang ginawa ng dating mambabatas.

Nandoon na magbiyahe siya ng ilang oras sa motorsiklo bilang pampalipas ng oras.

O kaya ay bumisita sa bahay ng mga kabarkada nitong mambabatas.
Pero lately, may ibang pinagkakaabalahan ang ex-solon.

Nakabili daw ito ng pikoy at lagi niya itong kinakausap.

Hindi malayong tanungin din niya ang pikoy kung mabibigyan ito ng puwesto sa gobyerno.

O kaya naman ay tanungin niya ang ibon kung mananalo siya sa susunod na halalan sa 2022.

Clue. Ang dating mambabatas na laging kausap ang ibon mula nang matalo sa halalan ay hindi guwapo at may letrang E sa kanyang pangalan.