Abante Tonite Interactive

Politiko laging may baon na kaimito

482

Palaging nagbabaon daw ng prutas ang isang mambabatas kapag may mga aktibidad ito sa malalayong lalawigan.

Ang madalas nitong kainin, hinog na kaimito na pinabibitbit nito sa kanyang staff.

Madalas kasing masira ang tiyan ng mambabatas kaya palagi siyang may dalang pangontra dito.

Imbes na magdala ng diatabs, kaimito ang ginagamit niyang pa­ngontra dahil ilang beses na niya itong napatunayan.

Siyempre, isa lang ang tinitira niya kapag may lakad dahil ‘pag sampung kaimito ang kinain niya ay baka tibihin naman siya, aba’y parang tinurbo siya sa behind.

Kawawa tuloy ang staff na taga-bitbit ng kaimito ng mambabatas dahil dagdag bigat ito sa dinadala niyang mga dokumento.

Clue: Ang politiko na laging may baon na kaimito ay taga-Luzon at may letrang R sa kanyang pangalan.