Abante Tonite Interactive

Politiko mala-Santa Claus kung mamudmod ng pera

By
362

Malayo pa ang Christmas pero itong isang politiko, parang si Santa Claus kung mamudmod ng pera sa mga lokal na o­pisyal.

Nalaman ng Tonite na itong si po­litiko, laging may na­kahandang cash kapag dadayo sa isang lugar upang ma­kapagpalapad ng papel sa mga local politician.

Kapag may naka­kausap na Mayor itong politiko, aba’y matik ang P50,000.

Kung Governor naman, mas mataas na P75,000 ang ibi­nibigay ng politician.

Nakakaubos daw ng higit sa kalahating milyong piso ang politiko sa isang lakaran lang, aba’y parang may sariling bangk­o yata sa kanilang pro­binsiya ito at hindi maubos-ubos ang kanyang datung.

May balak kasi ang politiko na tumakbo sa pagka-senador kaya’t ganu’n na lamang ang ginagawa niyang pagmamahal sa mga mayor at governor na kanyang nakakasala­muha.

Clue: Ang politiko na parang Santa Claus kung mamudmod ng pera sa mga mayor at governor ay hindi taga-Luzon. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mango.