Abante Tonite Interactive

Politiko may libreng hatid sa sementeryo

314

Sinagad na ng isang politiko ang pagtulong sa mga botante sa kanyang nasasakupan matapos na umarkila ng pampasaherong jeep para ihatid ang mga taong nakikipag­libing sa namayapa.

Ang jeep ay pina-standby ng politiko sa isang funeral home upang magamit ng mga taong kulang ang sasakyan patu­ngong sementeryo.

Naka­sabit sa jeep ang tarpaulin kung saan makikita ang mukha at pangalan ng politiko.

Ang classic nito, ngayon lang daw ginawa ng politiko ang gimik na ito sa pagnanais na maiboto siya sa darating na halalan.

Clue: Ang politiko ay taga-Metro Manila lamang at may letrang E sa kanyang pangalan as in Epal.