Abante Tonite Interactive

Politiko may pa-grocery sa mga kapitan

868

Ibang klase rin kung mag-alaga ng mga kapitan ng barangay itong isang politiko.

Imbes na magbigay ng datung, sinama niya ang mga kapitan sa shopping mall para mag-grocery.

Siyempre, tuwang-tuwa naman itong mga kapitan kaya kinarga nila lahat ng maispatang produkto hanggang sa umapaw ang kanilang shopping cart.

Daig pa nila ang magnenegosyo ng sari-sari store sa dami ng pinamili, courtesy ng galanteng politiko sa bansa.

Napatingin tuloy ang ibang mamimili sa mga kapitan, pero ang katanungan nila ay nasagot rin nang makita ang politiko na siya palang magbabayad sa pinamili ng mga ito.

Clue: Ang politiko na may pa-grocery sa mga kapitan ng kanilang siyudad ay pamilyado na at may letrang A sa kanyang pangalan.