Abante Tonite Interactive

Politiko may sikretong tomaan

484

Kung nawawala sa gabi ang isang politiko, tiyak na nagbabad na naman ito sa kanyang sikretong tomaan sa Metro Manila.

Ang sikretong tomaan ng politiko ay matatagpuan sa sosyal na restaurant na puntahan ng mga mayayamang parokyano.

Mahihirapan daw ang mga taong maghahanap sa politiko sa restaurant dahil hindi lantad ang bar.

May sikretong pintuan ang politiko sa nasabing restaurant na tanging mga kaibigan lamang niya ang maaaring makapasok.

Sa kanyang sikretong tomaan, nakahilera dito ang sangkatutak na brand ng alak at beer, karamihan ay mga imported.

Kaya kung may titirahing bebot ang politiko sa sikretong bar, walang ibang makakaalam kundi ang mga butiki lamang.

Clue. Ang politiko na may sikretong tomaan o bar sa restaurant ay kilalang madatung at may letrang A sa pangalan as in Alak pa!