Abante Tonite Interactive

Politiko na-late sa event dahil sa pagsa-shopping

432

Hindi makalimutan ng grupo ng mga housewife ang karanasan nila sa isang politiko matapos silang paghintayin ng limang oras sa kanilang event.

Alas-tres nang hapon sana ang event nila sa politiko pero alas-nuebe na nang gabi dumating ang kanilang bisita.

Sa kabila ng matagal na paghihintay, masaya pa rin nilang sinalubong at inasikaso ang politiko hanggang sa makaalis ito ng venue.

Makalipas ang ilang araw, nabalitaan na lamang nila na kaya pala na-late ang politiko ay dahil napadaan pala ito sa shopping mall at namili ng mga mamahaling sapatos.

Clue. Ang politiko na na-late sa event dahil sa pagsa-shopping ay mahilig mag-abroad. May letrang S sa kanyang pangalan as in Straw.