Abante Tonite Interactive

Politiko nagbitbit ng lover sa party meeting

By
0 541

Ibang klase rin kung umangkla itong lover ng kilalang politiko sa bansa.

hulaan-blues3Nabisto ng Tonite na noong magpulong ang mga lider at miyembro ng partido politikal, aba’y nakisawsaw din ang karelasyon ng politiko.

Imbitado lang sa pulong ang mga congressman, senador, mayor, governor at iba pang halal na opisyal ng partido.

Pero itong politiko, bukod tanging nagbitbit ng kanyang muse sa nasabing pagtitipon.

Dahil walang say ang lover sa miting dahil hindi naman siya halal na opisyal, nagmistula tuloy siyang alalay ng politiko.

Clue: Ang po­litiko na nagbitbit ng karelas­yon sa miting ng partido ay maru­nong magsalita ng Bisaya at may let­rang P sa kanyang pangalan as in Pangga.