Abante Tonite Interactive

Politiko nagmura nang mabasa sa ulan

299

Game raw ang politiko sa maghapong lakaran kahit na matindi ang sikat ng araw.

Kaya kasi nitong gumala kahit walang payong basta nakasuot lang ng shades.
Pero isang beses, habang nasa kalagitnaan ng pagbisita sa isang komunidad, aba’y biglang bumuhos ang ulan.

Nag-apura ang politiko na sumilong sa barong-barong at nagsunuran din ang kanyang mga staff.

Pero galit na galit daw ang politiko sa kanyang mga bodyguard at nagpakawala ng malulutong na mura dahil wala man lang silang bitbit na payong dahil naiwan pala ito sa sasakyan.

Takot daw ang politiko na sipunin kaya ayaw nitong mabasa sa ulan.

Clue: Ang politiko na minura ang mga bodyguard matapos maulanan ay abala ngayon sa pagnenegosyo. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman.