Abante Tonite Interactive

Politiko nagpagawa ng 1K standee

538

Hindi pa man nakaka-isang taon sa panunungkulan bilang ama ng lungsod, puro paepal na agad ang inaatupag ng isang bagitong alkalde.

Ito’y matapos matuklasan ng Tonite na nagpagawa raw ng sangkaterbang life-sized standee itong mayor.

Gusto kasing magpapogi, kahit hindi naman guwapo itong lokal na opisyal sa kanyang nasasakupan.

Sa dami ng pinagawang standee, aakalain mong tatakbo itong senador o kaya ay mas mataas na puwesto sa gobyerno.

Saan naman kaya niya nakuha ang perang pinanggastos sa standee? Malamang ay mula sa nakuhang tara sa palengke.

Clue: Ang alkalde na nagpagawa ng sangkaterbang life-sized standee ay marunong daw maglaro ng basketball at may letrang S sa kanyang pangalan.