Abante Tonite Interactive

Politiko nagpagawa ng mga tolda para sa Undas

487

Kung ang ibang lokal na opis­yal ay naniningil pa sa sinumang hihiram ng tolda, iba naman ang diskarte nitong politiko sa Metro Manila.

Libre as in walang bayad ang tolda ng politiko sa sinumang gustong humiram nito para sa pagdalaw ng kanilang bahay sa buhay sa sementeryo.

Nagpagawa raw ng maraming tolda si politician na may tatak ng kanyang pangalan at ng kanyang asawa upang sa gayon ay matandaan ang kanyang pangalan pagdating ng susunod na halalan.

Malaki raw ang pakinabang ng politician sa mga pinagawang tolda dahil kapag may namatayan naman ay ipinapahiram din niya ito bilang tulong sa pamilya.

Ito rin ang ipinapagamit niya sa iba pang okasyon tulad ng mga binyagan, kasalan at kahit sa kaarawan ng kanyang constituent.

Trapong-trapo ta­laga ang diskarte ng politiko kaya’t parating nana­nalo sa halalan.

Clue. Ang politiko na nagpagawa ng maraming tolda para sa Undas ay kilalang bigating at may letrang T sa kanyang pangalan.