Abante Tonite Interactive

Politiko nakaisa kay Digong

299

Takaw-pansin ang isang antigong lokal na opisyal sa isang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan dahil natalbugan ang ilang kasamahang local official.

Paano naman kasi, bukod tanging siya lamang ang kasamang nakaupo sa entablado at special mention na rin ng Pangulo sa pagsisimula ng kanyang talumpati.

Ang ibang kasamang local official ng politiko ay nasa harapan lamang ng entablado at hinayang na hinayang dahil sila dapat ang nasa stage kasama ang Pangulo.

Bale ba bulong ng isang miron, hindi nila alam kung kasama ba itong opisyal sa mga inim­bitahan.

Nagulat na lamang sila dahil duma­ting ang antigong opisyal kaya pinaakyat na lang din sa entablado.

Nakantiyawan tuloy ang tatlong local official ng ‘panis’ dahil hindi umubra sa pagiging mati­nik ng antigong opis­yal kung publisidad din lang ang pag-uusapan.

Ang opisyal na ito ay matagal na sa politika at papalit-palit na lamang ito ng puwesto, pero kung tutuusin ay dapat nagpa­pahinga na lang ito.

Halos buong pamilya ay halal sa puwesto at isa sa pinakamatandang politiko sa bansa.

Clue: Para siyang paruparo, lumi­lipat ng ibang lugar para raw magsilbi sa tao.

Bow!