Abante Tonite Interactive

Politiko namumudmod ng pera pag lasing

404

Kilalang makunat itong politiko sa Metro Manila pero nagbabago ng ugali kapag nakainom o lasing na.

Nagiging galante kasi ang politiko kapag nakarami na ng inom ng alak.

Bawat lumapit sa kanya at manghingi, binibigyan niya ng datung.

Pero kahit na lasing, alam pa rin niya ang mga taong may atraso sa kanya dahil tablado ito sa kanyang grasya.

Sa kabila nito, marami pa rin ang napapasaya ng politiko. Hirit ng iba, sana ay palaging lasing ang politiko.

Clue: Ang politiko ay pahinga muna sa trabaho ngayon kaya’t madalas mapunta sa inuman. May letrang S sa kanyang apelyido.