Abante Tonite Interactive

Politiko nandiri sa palengke tour

By
559

Hindi raw kinaya ng isang politiko ang gimik nitong palengke tour matapos mandiri sa mga nakalatag na paninda sa palengke.

Sosyal kasi ang babaeng politiko at hindi dumanas ng kahirapan sa buhay dahil sa mayayaman ang kanyang magulang.

Pero dahil sa ambisyon nitong tumakbo sa 2019 senatorial election, gumagawa ito ng mga gimik upang mapalabas ang imahen nitong makamasa

Sa natisod na info ng Tonite, nag-organize ng palengke tour ang politiko at isang pamilihan ang kanilang sinadya sa Maynila.

Pagdating sa bilihan ng manok, aba’y hindi man lang daw hinawakan ng politiko ang tinadtad na pitso kundi itinuro lang niya ito as in nag-drawing lang sa harap ng mga cameramen at photographer.

Ang classic nito, inamoy pa ng politiko ang kanyang daliri na tila nandidiri kahit hindi naman nahawakan ang tinadtad na manok, kasunod nito ay umalis na ito sa puwesto ng manukan.

Clue: Ang politiko na nandiri sa kanyang palengke tour ay galing sa malayong lalawigan ng Luzon at may letrang M sa kanyang pangalan as in Mahaba ang kanyang baba.