Abante Tonite Interactive

Politiko nanermon sa seminar

348

Nagpa-seminar daw ang isang politiko sa kanyang mga kababayan tungkol sa urban farming at livelihood program.

Tinatayang 40 katao naman daw ang dumalo at handang makinig sa pakulo ng mam­babatas.

Subalit bago pa man nag-umpisa sa pagsasalita si Madam, nagkaroon umano ng aberya kaya’t nag-init ang ulo ng politiko.

Abante Hiring – IT dep

Kahit tanghaling tapat, aba’y panay ang putak ng politiko sa kanyang mga staff dahil sa palpak na preparasyon.

Inabot daw ng halos 10 minuto ang panenermon ng politiko bago ito nahimasmasan nang makitang maraming tao ang nanonood sa kanya.

Clue. Ang politiko na nanermon sa seminar ay madalas nakasuot ng bestida at may letrang C sa kanyang pangalan, as in Charot.