Abante Tonite Interactive

Politiko pasaway sa order ni Digong

0 322

Sino raw itong politiko ang pasaway sa utos ni Pangulong Duterte na ibalik sa mamamayan ang kalsada?

Paano ba naman kasi, nagpagawa ng footbridge ang politiko sa kanyang nasasakupan.

Maganda sana ang layunin ng politiko pero sumablay lang siya dahil pinagawa ang footbridge sa mismong bangketa.

Kaya imbes na maglakad sa bangketa ang tao, aakyat muna sila sa footbridge at bababa rin sa kabilang dulo.

Ang masaklap nito, hindi na tuloy makakadaan ang mga PWD at mga senior citizen na mahihina na ang tuhod.

Clue: Ang politiko na pasaway sa order ng Pangulo ay bigatin sa kanilang lugar at may letrang T sa kanyang pangalan as in Timbangan.